Abante Tonite Interactive

Gadon: ‘On fishing expedition’

By
167

Nagtataka si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan pinulot o nakuha ni Atty. Lorenzo Gadon ang mga ebidensiyang ginamit nito sa pagsasampa ng impeachment complaint sa Kamara ­laban sa kanya.

Sa itinatakbo ng pagdinig ng House Committee on Justice, lumabas na nasa ‘fishing expedition’ itong si Gadon.

Tila ang mga kongresista ang gumagawa o naghahanap ng mga materyal at dokumento para masuporta­han ang paratang laban sa ­Punong Mahistrado.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga miyembro ng komite ang nagta-­trabaho para magkaroon ng tinatawag na ‘case build up’ at ang hina­hanap na ‘probable cause’ ay makita.

***

Ano ba ang meron sa ‘reklamong impeachment’ na iniharap sa Kamara laban kay CJ Sereno?

Sa mga nakalipas kasing kaso ng ‘rekla­mong impeachment’, agad ibinabasura ng Kamara kapag ang ‘complainant’ o nagharap ng reklamo ay walang ‘personal na kaalaman’ o personal knowledge’ sa mga ipinupukol na akusasyon laban sa ini­rereklamo.

Kung kumbinsido ang mga miyembro ng House Committee on Justice na may pananagutan si CJ Sereno, dalhin na agad ito sa Senado para masimulan na ang paglilitis.

Nasasa­yang kasi ang oras at pera.

***

Seryoso ang mga akusasyon laban kay CJ Sereno at dapat lamang na ito’y masagot ‘punto por punto’.

Hindi na dapat magtagal pa sa Kamara ang pagdinig. Nagagamit ­lamang ang tinatawag na ‘due process’ ng mga ‘pulitiko’ na may ­ambisyon sa nalalapit na eleksyon.

Ang ‘pangingisda’ ng ebidensiya o ‘fishing expedition’ ay dapat iti­gil na.

Wala itong patutunguhan. Ang daming dapat asikasuhin ng Kamara.

***

Public Service:

Tinatawagan ang BATCH 1993 ng St. Paul University, Quezon City.

Magkakaroon kayo ng ‘general meeting’ sa Linggo, ika-3 ng Dis­yembre, 2017, sa ganap na alas-kuwatro ng hapon (4 pm) na gagawin sa Via Mare, Timog Avenue, Quezon City.

Ang pulong ay may kaugnayan sa nalalapit na January 15, 2018 Homecoming ng mga Paulinians.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang kay Christiane De La Paz, cellphone number 0918-936-3146.