Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gadon minaliit coronavirus: Gamot ng China solusyon

0 144

Naniniwala ang kotrobersyal na abogadong si Larry Gadon, na isang simpleng sakit lang na madaling gamutin ang coronavirus disease o COVID-19.

Sa programang Balitaan at Kumustahan ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Gadon na may gamot naman na mula sa China na nakakagaling ng nasabing sakit.

Bagaman hindi niya ito pinangalanan, sinabi ni Gadon na diumano ito ang nakapagpagaling sa pamilya ng isang dating alkalde sa Mandaluyong City. Aniya, “Madaling gamutin ang COVID. Dapat inumin lang gamot mula China.”

Dagdag niya, pinipigilan lang umano ng Department of Health ang gamot mula China, dahil may pinapaboran ito.

Matatandaan na ang naturang ahensya ang sumita kay Gadon nang mag-viral ang ito dahil nakadikit lang sa face shield ang face mask at hindi talaga sinusuot. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.