Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gadon sinuspinde ng SC

0 174

Pinatawan ng preventive suspension ng Supreme Court (SC) ang kontrobersiyal na abogadong si Lorenzo Gadon.

Inatasan din siya ng SC na magpaliwanag kung bakit hindi dapat mapatalsik bilang abogado kaugnay sa nag-viral na video niya laban sa journalist na si Raissa Robles.

Nabatid na nasa SC rin ang desisyon kung kailan matatapos ang preventive suspension kay Gadon.

Nag-ugat ang pagsuspinde kay Gadon matapos hilingin ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at SC na disiplinahin si Gadon.

Sa naturang video ni Gadon ay pinagsalitaan nito ng masasakit si Robles at nag-viral ito sa social media noong Disyembre 2021.

Ikinagagalit umano ni Gadon nang tawagin ni Robles na tax evader si dating senador Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng FOCAP na hindi lamang insulto kay Robles kundi sa buong legal profession ang ginawa ni Gadon.

Binigyan ng SC si Gadon ng 10 araw para magsumite ng kanyang komento.

Inatasan din ang Office of the Bar Confidant na i-update ang mga nakabinbin na kasong administratibo laban kay Gadon.

Maging ang IBP,ay inatasan ng SC na magsumite ng ulat sa loob ng 10 araw hinggil sa mga nakasampang administrative case laban kay Gadon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.