Abante Tonite Interactive

Gagang aktres, tinalakan ng producer at direktor

By
11

“DAHIL wala siyang res­peto sa kapwa niya artista sa lahat ng staff at crew, lalo na skin… siya ‘yung artistang ayaw ko nang makatrabaho kahit kailan!”

Iyan ang hanash ng isang sikat na director kay actress/host/singer.

Matindi ang galit at inis ni directed by tuwing maaalala niya ang pambabastos ni actress sa kanya at sa lahat ng involved sa pelikula nilang ginawa last year.

Si actress/host ay noon pa kinababanasan ng mga nakakasama niya sa serye, sitcom at pelikula.

Feeling ni ate, ka-level niya ang mga supersikat ng Pilipinas kong mahal.

Kaya mula sa pagkakaroon ng Glam Team, havey siya para in na in siya ‘pag dumating sa isang taping, shooting o event.

May advance party siya!

As far as I know, hindi siya nakagawa ng pelikula na bida siya. Karaniwan na friend lang siya ng bida. Ganu’n din sa teleserye and what have you.

Gusto ni ate, pag nasa out of town show siya eh finale siya na tatawagin.

Ni-request niya rin ito sa out of the country show pero ayaw ng produ dahil wala siya sa kalahati ng popularity ng isang actress.

Dahil doon, kumonti nang kumonti ang raket niya lalo na sa television.

Kaya inilako na siya ng manager niya (na isa ring FEELING!) sa mga movie producer.

May nagkagusto naman at isinama siya sa pelikulang may kabuluhan sa pang-araw-araw nating buhay.

Noong una, OK naman siya kahit nag-demand ng solong tent na hindi pinapayagan ng produ.

Kung supersikat siya at may power sa box office, go sila na mag-solo siya sa tent na may aircon tent.

Eh hindi naman ganu’n ang level niya bilang nyortista.

Kaya super-emote si actress (na madaling mahulaan kung sino dahil sa kanegahan).

Sa shooting nila, 9:00 AM ang call time ni feeling sikat.

Naka-ready na ang technical, production design, ilaw, camera pati mga extra.

GO GO GO na!

Uunahin ang mga eksena ni actress kaya maaga ang call time niya at alam ‘yun ng manage­r niyang chaka.

The night before ay nag-confirm ang manager at finorward pa sa talent coordinator ang sagot ng mahaderang actress.

11:00 AM na… wala pa si ate.

Waiting ang lahat.

Alas dose nang tanghali dumating si ate at ayaw pang bumaba ng kotse.

Tinalakan ng TC si alalay kaya bumaba si actress na umaarte nang hindi ayon sa ganda niya.

Sa galit ni direk, pinasok niya ang tent ng actress na nakasimangot,

Ipinakita ng na-high blood na direktor ang mga sequence na kukunan at halos lahat ay kasama si yabang.

Tinalakan ng produ­cer si ate na paano ang maagang set-up kung hindi magagamit dahil late si ate at nauna pang dumating ‘yung mga artista na 1:00 PM ang call time.

Halos dagukan ni produ si aktres-aktresan na nag-uumirap pa nang mga sandaling iyun.

Biglang tumili si direk na kung hindi lang kailangan ang mga eksenang ito na kasama si ate ay hindi na sana niya itutuloy.

Naawa si direk kay produ sa stress.

Tinalakan ni direk si gagang actress, “Ito ang una at huling pro­ject na makakatrabaho kita. Pagkatapos nito, aya­w na kitang makita kahit kailan!”