Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gaisano pinatugis 1 pamilya sa estafa

0 84

Naglabas ng bagong arrest warrant laban sa lahat ng mga top executive ng DW Capital Inc. (DWCI) brokerage, kabilang si Derwin Wong dahil sa hindi nito pagdalo sa mga hearing kaugnay ng syndicated estafa na hinain sa kanila ng pamilya Gaisano.

Maliban kay Davidson Wong, treasurer ng DWCI na naaresto ng International Criminal Police Organization (Interpol) sa Madrid noong Enero sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) at nakakulong na sa city jail, ang iba pang mga miyembro ng pamilya nito na sangkot sa umano’y P2 bilyong scam ay patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad.

“New arrest warrants were ordered against the suspects because they stopped attending hearings, despite order from the judge to appear,’” ayon sa source ng Bilyonaryo.

Kasama sa mga bagong arrest warrant si Derwin, ang DWCI vice-president at manugang ng mga biktima, na nakapagpiyansa sa Cebu City court, dagdag ng source. Prayoridad ng manhunt ang DWCI top official at patriarch na si David Wong, alyas Wong Chung Yin, na umano’y komokontrol sa family business at ‘dumidikta’ sa direksyon at yaman ng kompanya.

Ang iba pang suspek sa syndicated estafa ay sina Derick Wong, Diane Wong, Davidson Wong, Lucy Chua, Juvy Ting, Susan Lu, Beverly Ansay at Leonardo Marsan. Naglabas rin ng red notice ang Interpol laban sa mga suspek na umano’y naglihis ng shares of stock ng pamilya Gaisano.

Nauna rito, inanunsyo ng abogado ng mga Gaisano ang P2 milyong alok na pabuya para sa impormasyon na makatutulong sa pag-aresto kay David.

NIreklamo ni Valerie Gaisano-Sebastian, anak ng Cebuano mall tycoon Gaisano, ang DWCI dahil sa hindi awtorisadong pagbenta ng P24 milyong stock investment.

Dahil dito, simula noong 2017 ay pinatigil ng Philippine Stock Exchange ang trading activity ng DWCI. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.