Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gala ng mga bata limitado lang – MMDA

0 85

Maglalabas ng guideline ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) hinggil sa mga puwedeng pasyalan ng mga bata.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., bubuo ang mga alkalde ng mga pamantayan na dapat sundin sa paglabas ng bahay ng mga 5-anyos pataas.

Nagkaroon aniya ng pulong nitong Linggo ang Metro Manila Council (MMC) kung saan napag-usapan ang pagbuo ng resolusyon para malinaw sa mga taga-NCR ang mga outdoor space na puwedeng puntahan ng mga bata.

“What we are going to do, we will list down parks and open areas in Metro Manila these coming days [to guide] Metro Manilans on where to go,” pahayag ni Abalos.

Bukod sa listahan ng mga parke at lugar ay magbibigay din ang mga awtoridad ng tamang bilang ng mga tao sa isang pasyalan, gayundin ang mga health at safety protocol na dapat pairalin sa mga ito para maiwasan pa rin ang hawaan ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Eleazar nagbabala sa mga pulis

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang kapulisan na maging magalang, maingat sa pananalita at sa gawa sa harap ng mga magulang at iba pang taong may kasamang bata na posibleng lumabag sa health at safety protocol.

Babala ni Eleazar na papatawan ng kaukulang parusa ang sinomang pulis na lalabag sa kanyang kautusan.

Subalit pinayuhan din niya ang mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak kapag lalabas ng bahay at ipinaalala na bawal pang dalhin ang mga 5-anyos pataas sa mga mall. (Mark Joven Delantar/Dolly Cabreza/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.