Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng Abu Sayyaf kalaboso

0 41

INARESTO ng mga awtoridad sa Southern Police District (SPD) ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sinasabing sangkot sa 2002 Jehovah’s Witness kidnapping at sa Lamitan Siege.

Naaresto siya sa NAIA Terminal 2 sa Pasay City, ayon kay PBGen. Jimili Macaraeg, SPD Director.

Kinilala ang naaresto na si Omar Bin Harun alias Airola, 52, security guard at nakatira sa Brgy Kasanyangan, Zamboaga City.

Sa impormasyon, si alias Airola-Adjustable ay dumating sa NAIA Terminal II noong May 10, 2022 mula Malaysia sakay ng Philippine Airlines gamit ang Malaysian passport na nakapangalan sa Omar Bin Harun.

Nang malaman ang impormasyon, dumiretso sa NAIA Terminal II ang DID-SPD, bitbit ang Warrant of Arrest at nakipagkoordina sa Bureau of Immigration, Aviation Security Group at Airport Police na ikinatimbog ni Airola-Adjustable.

Sa custodial debriefing, lumabas na isa itong Pinoy at gumamit ng Malaysian passport para maitago ang kanyang pagkakakilanlan.

Sa records ng BID, ang suspek ay nakalista sa Terrorism Screening Center (TSC) ng Federal Bureau of Investigation. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.