Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng Abu Sayyaf todas

0 297

Nasawi ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group habang nasugatan ang tatlong sundalo sa isinagawang focused military operations sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Westmincom Commander Corleto Vinluan, Jr., nagsasagawa ng combat operation ang mga miyembro ng Joint Task Force Sulu nang makaengkuwentro nila ang ilang kasapi ng ASG sa Barangay Kagay, Biyernes ng umaga. Base sa report, ang grupo ng mga ASG ay nasa ilalim ni Almer Yadah na kadikit ni Mundi Sawadjaan.

Nagpalitan ng putok na tumagal ng limang minuto hanggang sa tumakas aniya sa iba’t ibang direksiyon ang mga rebelde at iniwan ang namatay na kasamang si Arab Undo.

Samantala, binanggit ni 1101st commander Infantry Brigade Antonio Bautista na ang tatlong sundalo na nasugatan ay sinugod sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital at kasalukuyang stable na ang kondisyon.

Nagsagawa ang awtoridad ng clearing operation at bukod sa bangkay ni Undo, nakita nila ang baril, ilang dokumento at personal na gamit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.