Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng big-time tulak sa Bilibid, utas

0 300

PATAY ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Legazpi City sa Albay nang manlaban sa mga pulis.

Nakuha sa suspek na si Antonis Tupas, taga-Brgy. Cruzada, Legazpi City, Albay ang P6.8 milyong hinihinalang droga.

Nangyari ang operasyon sa Purok 5, Brgy. Quirangay, Camalig Albay noong Biyernes.

Sa report ng Albay Police Provincial Office, bumili ang poseur buyer mula sa PNP ng 100 gramong pinaghihinalaang shabu na halagang P300,000.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang aarestuhin na ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad kaya ginantihan din.

Tinamaan si Tupas at dinala sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.

Napagalaman na si Tupas ay sangkot sa pagpapabili ng droga mula sa kilalang dealer na si `Malik’ na nakapiit sa New Bilibid Prison. Kilala rin itong tulak sa bayan ng Legazpi at iba pang lugar sa Albay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.