Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng `Boratong’ nabitag

0 51

Nalagasan ng isa ang grupo ng Boratong drug syndicate nang madakip ng Pasig City Police ang isang miyembro nito sa Barangay Pineda sa Pasig City kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na nasa ika-9 sa listahan ng NCRPO Priority Data Base on Illegal Drug Personalities ay kinilalang si Cenon Roxas Intalan, 61, na naaresto sa pinagsanib na buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit-EPD; District Intelligence Division-EPD at Regional Intelligence Unit –NCR.

Si Intalan ang sinasabing pumalit sa kanyang kapatid na si Anthony Intalan na nadakip noong July at kasapi sa Boratong Drug Group.

Ayon kay P/Maj. Norman Patnaan, hepe ng Eastern Police-Drug Enforcement Unit, nadakip ang suspek sa ikinasang operasyon kung saan nagpanggap ang isang police poseur-buyer.

Minanmaman ang suspek nang matukoy na isa ito sa nagsu-supply ng illegal drugs sa kanilang barangay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.