Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng ‘case for sale’ sa NBI tinutugis

0 138

Sinimuan na umano ang proseso ng pagbabago sa National Bureau of Investigation (NBI) legal office kasunod ng pagkaaresto sa abogadong si Joshua Paul Chua Capiral, 41, head ng legal section, sa loob mismo ng gusali ng ahensya.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, “This could be an isolated case, but still we want to find out if others in his section were used, unwittingly or wittingly.”

Traydor. Ganito naman sinalarawan ng mga imbestigador ng NBI si Capiral, 41.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang daming agents na nagalit sa kanya at tinatawag siyang traydor, sa pagbebenta ng mga kaso na pinaghirapan ng mga investigators,” ayon kay NBI Special Action Unit (SAU) Chief Emeterio Dongallo.

Inaresto si Capiral, kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Cristopher John, 32, Immigration Officer, sa isang entrapment operation sa loob sa legal office ng NBI.

Mahaharap sa kasong robbery, extortion, at anti-graft and corrupt practices ang magkapatid. Kinasuhan din si Atty. Patrick Penachos, na umano’y ‘front’ ng magkapatid sa kanilang iligal na aktibidad.

Inutos ni NBI Director Eric Distor ang imbentaryo sa mga kaso na hawak ni Capiral. Inatasan din ng opisyal ang NBI-SAU para magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang masiguro ang integridad ng mga kaso. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.