Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng `for sale certificate’ kontra SSS hinahanting

0 97

Inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsisiyasat at pagsubaybay sa mga gumagawa ng peke at ‘for sale’ na work certificate ng involuntary separation na kinakailangan sa pagkuha ng benepisyo sa Social Security System (SSS).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na itutuloy ng Kagawaran ang pagsisiyasat sa tulong ng isang ahensya ng regulasyon matapos matuklasan ang paglaganap ng huwad na Certificates of Involuntary Separation gamit ang template form ng DOLE National Capital Region at electronic signature ni DOLE-NCR Regional Director Atty. Sarah Buena Mirasol, kabilang ang iba pang mga pangunahing opisyal ng tanggapan sa rehiyon.

SM food to go Banner Ad

“As far as the DOLE-NCR is concerned, the issuance of a certificate of involuntary separation for SSS is free of charge,” sabi ni Mirasol.

Idinagdag ng DOLE-NCR Director na ang mga hard copies ng mga certificate ay maaari lamang makuha sa DOLE Field Office na mayroong hurisdiksyon sa lugar ng trabaho ng empleyado. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.