Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng ‘Pastillas’ gang sa Ombudsman tugisin

0 178

Kailangan matukoy ng National Bureau of Investigtion (NBI) ang diumano’y kontak sa Office of the Ombudsman ng isa sa mga mastermind sa likod ng “pastillas” bribery scheme, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Ito’y matapos ibunyag ng bagong whistleblower na si Immigration Officer 2 Jeffrey Dale Ignacio na si dating Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas umano ang isa sa likod ng corruption scheme.

Sabi pa ni Ignacio sa pagdinig sa Senado noong Martes, sinabi rin umano ni Marinas na may kontak siya sa Ombudsman.

SM food to go Banner Ad

Ito pang si deputy commissioner Marc Red Mariñas pinangangalandakan na may contact sila sa Ombudsman, which begs the question sino ang contact ni Mariñas sa Ombudsman,” sabi ni Hontiveros sa panayam sa radyo.

“Pati ba naman Ombudsman sangkot na sa korupsyon, itong rebelasyon na ito ay talagang nakababahala,” dagdag pa nito.

Ang bribery scheme ay nadiskubre nitong kaagahan ng taong ito hinggil sa diumano’y pagbabayad ng padulas sa mga opisyal ng BI para madaling makapasok ang mga iligal Chinese worker kahit na walang working visa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.