Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng sindikato, 17 pa swak sa buy-bust

0 178

Arestado ang isang miyembro ng Camerino Drug Group na kabilang sa 17 pang tulak na binitbit sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang nasakoteng miyembro na si John Glenn Monis alyas `Bebe’, 27-anyos at taga-Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Sa ulat ni PMSgt Robeto Lacasa ng Bacoor City Police station, alas-3:30 kahapon ng madaling-araw nang ikasa ang operasyon sa Brgy. Mambog 3 kung saan target ang suspek at naaresto ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nahulihan umano ang suspek ng tinatayang 12.5 gramo ng shabu na may street value na P86,000, isang Intratec Miami FL 9mm Luger, mga bala at 1 caliber .45 Colt pistol.

Sa record ng pulisya, miyembro umano si Monis ng Camerino Drug Group na sangkot sa gun-for-hire at pagbebenta ng iligal na droga sa San Pedro sa Laguna, Dasmarinas City, Imus City at Bacoor City.

Samantala, 17 iba pang tulak ang binitbit sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga nasabing lugar.

Nanguna ang Imus City sa may pinakamaraming nasakoteng tulak na pito katao, apat sa Trece Martires City; tatlo sa Bacoor City; dalawa sa Kawit at isa sa Tagaytay City o kabuuang 17 suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.