Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng sindikato, 7 pa timbog sa buy-bust

0 38

Arestado ang isang lalaki na miyembro umano ng isang drug group at pitong iba pa matapos kumagat sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang naarestong miyembro ng Vedallio Drug Group na si Patrick Gañac, 20-anyos at nakatira sa Brgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:15 kamakalawa ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation ang mga operatiba ng Naic Police Station sa Brgy. San Roque sa nasabing bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasakote ang suspek at narekober ang anim na pirasong pinatuyong dahon ng marijuana, fruiting tops at buy-bust money.

Sa isinagawa pang buy-bust operation, pitong iba pang suspek ang naaresto kabilang ang dalawang hinihinalang tulak mula sa General Mariano Alvarez at Tagaytay City habang tig-isa sa Rosario, Trece Martires City at Bacoor City.

Isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-12:43 ng tanghali kamakalawa hanggang alas-9:30 kamakalawa ng gabi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.