Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galamay ng Sputnik gang tinodas

0 52

Nasawi ang isang 32-anyos na hinihinalang miyembro ng Sputnik gang matapos barilin habang naglalakad sa isang maliit na eskinita, kahapon ng madaling-araw sa Balut, Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/SMS. Jorlan Taluban ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si July Jason Burgos, tricycle driver, at taga-Smokey Mountain, Balut.

Sa imbestigasyon, naganap umano ang in­sidente sa may Dayao St., Purok 3, Balut, alas-2:20 ng madaling-araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huli umanong nakita ang biktima na naglalakad sa eskinita nang sumulpot ang suspek na nakilala lamang bilang alyas ‘JR Justiniani’ at saka pinagbabaril ang suspek.

Kaagad umanong na­sawi si Burgos habang mabilis namang tumakas ang salarin patungo sa hindi tiyak na direksiyon.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya.

Patuloy namang ini­imbestigahan ng pulisya ang motibo sa pag­paslang. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.