Abante Tonite Interactive

Galang, Baron, Behag inakbayan ang F2 Logistics Cargo Movers

By
127

Mga laro bukas:
(Caloocan Sports Complex)
12 pm – FEU vs CSA Biñan
2 pm – UP vs UST
4 pm – Petron vs Smart
6 pm – F2 Logistics vs ­Generika-Ayala

Nagtulungan ang F2 Logistics upang malusutan ang tigasing Cignal, 25-22, 23-25, 25-14, 25-17, kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Nagsanib-puwersa sina Ara Galang at Majoy Baron upang akbayan ang Cargo Movers at pahabain ang kanilang winning streak sa lima.

Tumikada si Galang ng 18 points mula sa 16 spikes at dalawang service aces kasama ang 10 excellent receptions habang si Baron ay bumakas ng 16 markers para sa F2 Logistics na nilista ang 7-2 karta.

Hindi naman nagpasapaw si cargo Mover hitter Cha Cruz-Behag, humataw din siya ng 12 pts. at 23 digs sa event na suportado ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen at Bizooku kasama ang Genius Sports bilang technical partner.

Bumanat si Kim Fajardo ng 45 excellent sets para sa F2 Logistics na nasa solo second place ng team standings.

Patuloy naman na hindi nakapag­lalaro si Kianna Dy dahil sa kanyang knee injury at libing ng kanyang grandmother sa Davao.

“I’m happy even we lost the se­cond set because somehow I saw the determination of my players to win the game,” saad ni F2 Logistics head coach Ramil de Jesus. “Even we’re not complete, they were composed.”

Umiskor si Mylene Paat ng 18 markers habang 15 puntos ang binakas ni Rachel Anne Daquis para sa HD Spikers na nalasap ang pang-limang talo sa siyam na salang.