Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galanza, 2 pa habol ang national team

0 57

Dinagdagan ng Philippine National Volleyball Federation ng tatlong alas ang national women’s indoor volleyball training pool sa katauhan nina Premier Volleyball League stars Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza, Maria Deanna Izabella ‘Deanna’ Wong, at Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino.

Makikipagambulan sila ng puwesto sa PH 6 na kakampanya sa 21st Asian Women’s Club Volleyball Championship 2021 sa parating na Oct. 1-7 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Tinapik ang tatlong player dahil sa outstanding performance sa PVL 2021 Open Conference bubble sa Bacarra, Ilocos Norte nito lang July 17-Aug. 20.

Lumikom ang 24-anyos, may taas na 5-7 at 2019 PVL Open Conference MVP na si Galanza ng 103 points sa 2021 tournament na pang-11 sa liga kung saan finalist ang team niyang Creamline.

Pumangalawang Best Setter si Wong sa katatapos na Open Conference, at ang katropa sa fourth placer Choco Mucho na si Tolentino ang nag-Best Opposite Spiker sa average na 14.91 points. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.