Abante Tonite Interactive

Galanza, Creamline kinabog ang Choco

0 218

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Center)

4:00pm — Chef’s Classics vs BaliPure

6:00pm — Motolite vs Air Force

KINAPITAN ng Creamline Cool Smashers sina Jema Galanza at Michele Gumabao upang kaldagin ang Choco Mucho Flying Titans, 25-15, 25-15, 25-16, sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kagabi sa University of San Agustin gym sa Iloilo.

Nagtala si Galanza ng 16 points, mula sa 12 attacks, at tigalawang service aces at blocks kasama ang walong digs para ilista ang 12-0 karta ng Cool Smashers.

Nakalsuhan ang four-game winning streak ng Flying Titans at nalasap nila ang pang-pitong talo sa 13 laro.

Hindi masyadong nagpakita ng tikas si volleyball superstar Alyssa Valdez matapos magtala lamang ng siyam na puntos para sa Cool Smashers.

Kahit kulang sa armas ang Creamline ay hindi nagbabago ang kanilang bangis, nawalis pa rin nila sa tatlong sets ang Choco Mucho.

Humataw si Gumabao ng seven attacks, apat na service aces at isang block para sa kanyang 12 markers na ambag, nagtala rin ito ng anim na digs.

Namuno sa opensa para sa Flying Titans si Shannen Palec na may siyam na puntos, pitong attacks at dalawang sevice aces habang tumipa si Kat Tolentino ng walong kills. (Elech Dawa)