Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galawan ng mga Marcos, Duterte, Arroyo

0 35

Isang malalim na buntong-hininga at katagang hayst ang isasalubong ko sa inyo ngayon guys.

Pakiusap ko lang sana na matapos ninyong basahin ang kolum na ito ay mag-isip kayo ng malalim para sa bayan.

Sa mata ng mga panatiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isang three-dimensional chess game ang nilalaro ng halos ng buong immediate Duterte family sa political system ng ating bansa, pero uusisaing mabuti, isa itong simpleng laro ng “Snakes and Ladders.”

Isipin nyo: mula sa local position biglang talon sa pangalawang pinakamataas ng elected position si Sara Duterte. Sa maiiwan niya na posisyon aakyat ang kapatid na si Baste na tatakbo bilang Mayor ng Davao City. Habang ang ama nila ay tila nakagat ng ahas o na nganganib na matuklaw kaya bababa sa pagka Senador.

Isama mo na din diyan si dating presidential spox Roque na tatakbo ring senador.

Hindi rin dapat ipuwera si Senator Imee Marcos, dahil kung hindi nila matutunaw ang mga petisyon at protesta laban sa kapatid na si Ferdinand Marcos Jr.,  tanging siya at ilang ng mga kaapelyido na lamang ang maaaring humalili sa kanya.

Bukod diyan, paikot-ikot din lang ang mga Arroyo at naghihintay na lamang ng magandang tiyempo para makabalik sa puwesto sa pamamagitan ng mga mas nakababatang henerasyon kung pagbabatayan ang galaw ng kanilang mga anak sa politika.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanggang hindi naaamyendahan ng probisyon ng palit-kandidato sa ating political system, patuloy na mangyayari, maabuso at magagamit ang mga ito ng mga political parties na walang solidong paninindigan.

Tumatayo itong repleksyon ng bawat political party kaya ng sa kung standard bearer sa pagka-pangulo wala na sila, anu pa ba ang aasahan natin sa kanila.

Totoong “only in the Philippines” lang nangyayari ang ganito mga bagay pagdating sa politika.

Pero sa kabilang banda malaki ang pakinabang ng taktikang ito ng mga Marcos at Duterte para mapanatiling nangingibabaw ang kanilang interes, yung laging pinag-isip ang taong bayan, na pinapalala pa na ito lagi ang laman ng balita hindi lamang noong 15 Nobyembre kundi hanggang sa magpasakasalukuyan.

Kung katusuhan ang pag-uusapan, ang mga nabanggit na pangyayari na siguro ang pinakamaraming atensiyon ang nakuha dahil umabot na ito sa senaryong ang mag-ama ay maglalaban sa pagkabise presidente sa darating na halalan.

Isipin na lang natin na kung hindi gagalaw ang mga Pinoy para mabago ang liderato sa gobyerno, sa loob ng susunod na 24 na taon o higit pa ay malamang na Duterte, Marcos at Arroyo na lamang ang nakatira sa Palasyo.

Hayst.

Leave A Reply

Your email address will not be published.