Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galawan sa Kamara

0 243

Inihalal ng Kamara de Representantes ngayong Miyerkoles si Marikina City Rep. Bayani Fernando bilang chairperson ng House Committee on Human Rights.

Pinalitan ni Fernando si Quezon City Rep. Jesus Suntay na nauna ng inihalal bilang Deputy Majority Leader.

Si Parañaque City Rep. Joy Myra Tambunting naman ay itinalaga bilang contingent sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) kapalit ng namayapang si Antipolo City Rep. Resurreccion Acop.

Si Speaker Lord Allan Jay Velasco naman ang itinalagang caretaker ng ikalawang distrito ng Antipolo na dating kinakatawan ni Acop.

Si Probinsyano Ako Rep. Jose Singson Jr., naman ay ginawang miyembro ng House Committee on Appropriations kapalit ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na isa ng Deputy Speaker. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.