Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galawan sa MGCQ, mga mayor may kontrol – DOH

0 31

Nakasalalay sa mga mayor ang masusing implementasyon ng health at safety protocol para mapigilan ang pagsirit ng COVID-19 sakaling isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas simula sa Marso 1, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing nitong Sabado, na dapat nakahanda na ang mga lokal na pamahalaan kapag nilipat sa mas maluwag na klasipikasyon ng quarantine ang buong bansa.

“Ang ating safeguard diyan, kung sakali magkaroon ng shift into the lower level of quarantine measures, ay ang ating local government magkakaroon ng sari-sariling response, where they have better surveillance so that they can appropriately manage if ever and control number of cases,” ani Vergeire.

Kasabay nito, dinepensahan din ni Vergeire ang mungkahing isailalim na sa MGCQ ang bansa simula sa Marso 1.

SM food to go Banner Ad

Aniya, kailangan din balansehihin ang sitwasyon para sa ekonomiya ng bansa.

“Nakaisang taon na po tayo ng very strict lockdown and we have to look at the other side of the fence and that is our economy, nakikita naman po natin. And there are also health consequences for a poor economy,” paliwanag ni Vergeire.

Matatandaang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes na nagkasundo na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at mga mayor sa Metro Manila na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa MGCQ ng buong bansa sa susunod na buwan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.