Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galawang ‘magulang’

0 160

Marites mode muna tayo ngayon guys!

Hindi ko kasi mapigilang matawa nang marinig ko ang kuwento tungkol sa tatay ng isang politiko na nangangasiwa sa media exposure nito lalo na ngayong malapit na naman ang halalan at siya ay sasabak din sa pagtakbo.

Paano ba naman kasi, ibang klase daw ang tatay ng politiko na ito dahil napakataas ng kanyang batayan sa PR operations at mistulang wina-one-two-three niya ang mga kausap sa operasyon kahit pa ang mga ito tumutupad naman sa usapan na magamit ang materyales ng kanyang anak.

Ibang klase daw kasi si Papa dahil ayaw niya ng basta-bastang exposure lamang para sa kanyang mahal kahit pa wala naman itong napapatunayan bilang miyembro ng institusyon na kanyang kinabibilangan sa kasalukuyan.

Hindi masabi ng nagkuwento kung paano ang batayan ng parent (magulang) ni politiko sa radyo pero sa print media ay klarong klaro daw na gusto nitong manggulang upang masigurado na mapapansin ang kanyang anak.

Hanggang page 3 lang daw kasi ang boundary ng ama at dapat na laging main story ang tungkol sa kanyang anak dahil kapag sa ibang pahina ito lumanding ay hindi na matutupad ang kasunduang nabuo sa pagitan niya ng kausap patungkol sa transaksiyon.

Hindi naman daw sana problema sa mga katransaksiyon ng matanda ang gusto nitong landing page kaya lamang ay talagang sabaw ang mga nilalaman ng mga materyales patungkol sa anak nito, patunay ang pagsadsad nito sa mga surbey kahit na sino pa ang magsagawa.

Hirap na hirap daw makahanap ng transaksiyon ang magulang ni politiko ngayon kaya binubuhusan na lang dito ang social media pero hindi pa rin nga daw makaarangkada dahil hindi naman nila masagot ang tanong ng mga netizen kung ano na ang nagawa ng kanyang anak.

Mistulang lessons learned nga daw si tatay dahil inaani na nito ang epekto ng sobrang pagiging magulang at kawalang konsiderasyon na diskarte sa pakikipag-usap sa mga katransaksiyon patungkol sa media exposure ng kanyang anak.

Sayang nga daw ang pangalan ng anak na sinegundahan pa mandin ng minamahal niya sa kasalukuyan.

Uy ayokong pangalanan ang mag-ama ah!

Leave A Reply

Your email address will not be published.