Abante Tonite Interactive

Galing-galingan sa sabong, malasin

277

 

Karamihan sa mga sabungerong malasin o palaging talunan ay ‘yung mga naggagaling-galingan, sobra sa gulang, palaging bida sa kuwentuhan at maaangas, lalo na kung dumayo ka ng sabungan at ganyan ang karakter mo 70 porsiyento lupaypay ang balikat mo pag-uwi mo.
Mga kasabong, pag dumayo ka ng sabu­ngan mas maganda kung pormang tolongges ang galaw mo para maka­hanap ka ng magandang laban, may uulot sa iyo na mas malaki ang manok mo. kapag ganu’n ang match malaki ang tsansa mong manalo lalo’t nasa kondisyon ang manok mo.
Markahan ninyo na mga klasmeyt ang Enero 11, 12 at 13 dahil ito ang 6th International GameFowl Festival na gaganapin sa SMX Convention Center, Halls 3-4.
Marami kayong puwedeng gawin sa tatlong araw na event kaya isama ninyo na ang mga barkada ninyo at makisaya. Makikita ninyo ang mga paborito niyong breeder at mga sikat na sabungero kasama ang kanilang mga manok panabong na puwedeng maging inyo.
May derby nga­yong araw sa Turato Coliseum, ilalarga ang 3 Hits Super Ulutan “Pang Masa” baka gusto niyong magtrabisya, bukas sa Imus Sports Arena naman ang bakbakan, ikakasa ang Level Up 2 Hits sa Isa.