Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galing `Pinas nagdala ng coronavirus variant sa Cyprus

0 234

May mga unang kaso na ng dalawang COVID-19 variant sa Cyprus.

Ayon sa ulat, apat na dumating sa Cyprus at nag-quarantine ay nagpositibo sa Indian variant habang dalawa sa South African variant.

Ang mga kaso ay nakita sa mga pasaherong nagmula sa India, Nepal, Pakistan at Pilipinas.

Sabi ng health ministry sa Mediterranean island, walang close contact ang anim na pasahero.

Sinasabing mas mapanganib ang mga variant dahil malaki ang potensiyal nitong maikalat, nakamamatay o maaaring makalusot sa proteksiyon ng bakuna. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.