Abante Tonite Interactive

Galit ni Perasol, UP ilalabas sa Game 2

By
0 215

Todo-bomba kahapon ang mga netizen sa social media mula sa UAAP community, alumni, tagasuporta, tagasunod at mga gusto silang manalo sa sa bisperas ng Game 2 kontra Ateneo de Manila University.

Iisa ang sinisigaw nila sa Facebook at Twitter: kopoin ng UP Fighting Maroons ang 2nd game ng 81st University Athletic Association men’s basketball finals simula bukas ng alas-3:30 ng hapon sa Big Dome sa Quezon City.

“So humble this girl! Another good read! Yes, that fighting spirit of UP Fighting Maroons @upmbt gives us creeps! Continue to be an inspiration to young student athletes! Walang bitawan, laban nang laban! #upfightingmaroons,” tweet ni eVOLLEYuator sa @yuator.

Hinirit ni Vincent Yambao sa vpyambao, “Ateneo won game 1 because they played better. But the UP Fighting Maroons will bounce back and win this season. #UPFight!”

“Statistics? UP hasn’t lost a finals game in 32,” pagbabanda naman ni Nonoy sa kanyang @shutter_spy.

Nangako si Peyups coach Dolreich ‘Bo’ Perasol na sa astig na ensayo kahapon at ngayon, tiwala ang lahat na makakabuwelta pa sila bukas upang makatayo sa 88-79 game one loss, at makahirit ng winner-take-all sa darating na Sabado.

“Talent,composure & championship experience Ateneo made full use of their edge in game 1 win over UP. UP should learn from this for game 2.Still nowhere to go but UP and could still be ATIN TO. fight UP!!!” pahabol na deklara sa pagiging positibo pa rin niya sa FB si Charly T. Abril.