Abante Tonite Interactive

Galunggong aangkatin sa China, Vietnam

183

Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na talagang tumaas ang presyo ng isda partikular na ang galunggong dahil ­pahirapan ang paghuli nito kaya posibleng mag-export o umangkat aniya nito mula sa China at Vietnam.

Ayon kay BFAR National Director ­Eduardo ­Gongona, lubhang nakaapekto sa pagtaas ng ­presyo ng galungong ang sunod-sunod na dumaang bagyo sa bansa at pahirapan makahuli ang mga ­mangingisda dahil sa malakas na alon sa dagat at nasa ilalim ang mga isda

Naniniwala naman si Gongona na makakabawi lamang ang mga mamimili sa darating na mga araw.

Ngayong buwan ng Disyembre dahil sa ­inaasahang pagpapatuloy ng magandang panahon at wala nang bagyong darating sa bansa posibleng na magresulta aniya ito sa maraming ­mahuhuling isda sa ating mga karagatan para bumaba ang ­presyo ng mga ito.

Pero, sakali aniyang pahirapan pa rin sa ­paghuli ng galungong, posibleng mag-export sa China at Vietnam ng 45,000 tonelada nito.

Samantala, binatikos ng Pambansang ­Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) si ­Agriculture Secretary William Dar dahil ­inaprubahan umano nito ang pag-aangkat ng 45,000 tonelada ng galunggong.

Sabi ng PAMALAKAYA, wala namang shortage ng isda at ang dahilan ng kakulangan sa ­galunggong ay ang dineklarang fishing ban nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dagdag pa ng grupo, pinalala pa ng ­malalaking commercial fishing vessel ang sitwasyon dahil ­nag-“panic-fishing” ang mga ito bago ipatupad ang ban.

Babala ng Pamalakaya, lalo lang nito ­pahihirapan ang mga mangingisda dahil pababagsakin lang ang farmgate price ng mga isda na walang katiyakang magmumura ito sa palengke, tulad ng ­nangyari nang pinapasok na ang imported rice. (Riz ­Dominguez/Eileen Mencias)