Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galunggong sa Palawan puwede na

0 104

Pwede nang mangisda ng galunggong sa Palawan.

Sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kahapon, tapos na ang closed fishing season ng galunggong sa Palawan. Pinagbabawal mangisda pag closed fishing season na tumatagal ng tatlong buwan upang mabigyan ng panahon ang mga isda na mangitlog at masigurong hindi mauubos ang mga ito.

Nung 2016, nasa 402.13 tonelada ang huli mula sa purse seine sa Mimaropa at dumami na ito sa 653.66 tonelada nung 2019. Dumami naman sa 285.32 tonelada ang huli mula sa ringnet nung 2019 mula sa 170.97 tonelada. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.