Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galvez: Action plan 2 aayusin sablay sa COVID war

0 222

Aminado si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na mayroong mga pagkukulang ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic subalit tiniyak nito na maaayos lahat sa implementasyon ng pangalawang yugto ng action plan kontra sa virus.

“Sa ating bagong National Action Plan Phase 2 inaayos na po namin `yong mga challenges saka `yong mga naging shortcomings natin. Inaamin na mayroong mga shortcomings, `yon ang mga challenges na inaayos namin ngayon,” pahayag ni Galvez.

Target aniya ng gobyerno na mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Una na ring inihayag ng pamahalaan na paiigtingin pa ang testing, contact tracing at treatment upang mapigilan ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 infection sa bansa.

Samantala, inamin din ni Galvez na hindi handa ang mga health facility ng bansa sa pandemya.

“Kung makikita natin, lalo na sa mga ibang nasa regional areas, tingnan natin sa Region 4-A, nakita natin walang halos level 3 na hospital doon. Kaya makikita natin na mao-overwhelmed `yong ating sistema dahil `yong preparation time natin for building up our capacity supposed to be dapat three to four administration pa,” dagdag pa ni Galvez.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.