Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galvez: Delta variant pinaghandaan ng IATF

0 79

Nakahanda ang pamahalaan na tumugon sa emergency sakaling magkaroon ng outbreak ng mabagsik na Delta variant ng COVID-19 sa bansa, ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Tugon ito ni Galvez kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 16 na bagong kaso ng Delta Variant kung saan 11 sa mga ito ang local case habang lima ang galing sa mga returning overseas Filipino.

Bagama’t sinabi ng DOH na kanila pang inaalam kung may local transmission na ng Delta variant na unang na-detect sa India, sinabi naman ni Galvez na pinaghandaan na nila ito.

SM food to go Banner Ad

“We are well prepared against the Delta. We have seen after an outbreak in India that we have to prepare everything on large scale,” pahayag ni Galvez sa isang media briefing kasama ang mga taga-DOH.

Mayroon na aiyang standard operating procedure na ikinasa simula nang magkaroon ng COVID-19 variant sa bansa.

Nag-usap na aniya ang mga opisyal ng NTF at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa isang emergency conference na ipinatawag ng Department of Health (DOH) para bisitahin ang mga local government unit na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID.

Leave A Reply

Your email address will not be published.