Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galvez: Gobyerno may reserbang 10M COVID bakuna

0 41

May sapat na supply ng bakuna ang bansa laban sa COVID-19 na tatagal ng hanggang 32 araw.

Ito ang iniulat ni vaccine czar Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Galvez, maganda ang sitwasyon ng supply ng bakuna dahil mayroon aniyang 10 milyong stockpile ng COVID vaccine na tatagal hanggang August 17.

Hindi na aniya sila kakabahan na magkaubusan ng supply ng bakuna dahil sunod-sunod ang pagdating nito sa bansa.

“Tinatanong n’yo po kung ano state ng stockpile, medyo maganda na po ang atin — hindi na po tayo kakaba-kaba. PH already reached its desired stockpile level of above 10 million,” paniguro ni Galvez. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.