Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galvez: Mga batang edad 15-17 una sa COVID bakuna

0 57

Plano ng pamahalaan sa paglarga ng COVID-19 vaccination program sa mga menor de edad na unahin ang mga batang 15 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. gagawing “phases and incremental” ang pagbabakuna sa mga kabataan at uunahin sa kanila ang mga nasa edad na 15 hanggang 17 pagkatapos ay kasunod na ang mga 12 hanggang 14-anyos.

“Rest assured, na `yong gagawin natin sa children’s vaccination is very safe, considering that it will be in hospital-based para prepared tayo sa any adverse effect,” ani Galvez.

Samantala, inanunsiyo rin ni Galvez na dalawa pang ospital ang dinagdag sa anim na pagamutan kung saan gagawin ang pilot run ng pagbakuna sa mga menor de edad.

Aniya, kasama na ang St. Luke’s Hospital ng Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital, pawang nasa National Capital Region.

Hindi pa sinabi ni Galvez ang pangwalong ospital.

Leave A Reply

Your email address will not be published.