Abante Tonite Interactive

Galvez pangungunahan ang `giyera’ sa COVID-19

0 564

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. bilang `chief implementer’ ng national policy ng gobyerno para matugunan ang banta ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa memorandum na may petsang Marso 24 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nakasaad na batay sa kautusan ng Pangulong Duterte, inaatasan si Galvez na siguruhing masusunod ng publiko at pribadong sector ang mga guideline at protocol na inisyu ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

“He was further tasked to protect and promote the safety and welfare of the public at all times, and ensure the efficient and expeditious distribution of government assistance to the public, with particular attention to our citizens who are in most need,” nakasaad pa sa memo.

Marso 16 nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang buong Luzon sa loob ng 0 araw dahil na rin sa paglaganap ng mga kaso ng COVID-19.(Prince Golez)