Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Galvez plano pang-apat na bakuna

0 157

Plano ng pamahalaan na mabigyan ng hanggang pang-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19 ang mamamayan para magkaroon ng kumpletong proteksiyon sa virus.

Binanggit ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang suhestiyon ng vaccine expert panel na sinasabing kailangan pa ng hanggang limang dose ng bakuna upang magkaroon ng `full immunity’ laban sa coronavirus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sabi nga ng vaccine expert panel, ang talagang [kailangan] natin para at least meron tayong complete [protection], kailangan five doses. Ibig sabihin, meron tayong three or four primaries and then `yong booster na parang tinatawag na final shot,” paliwanag ni Galvez sa isang panayam sa radyo kahapon.

Sa kasalukuyan ay nagbibigay na ng pangatlong dose ang pamahalaan para sa mga senior citizen at mga may comorbidity habang booster shot naman para sa mga nakakumpleto na ng primary doses. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.