Abante Tonite Interactive

Galvez sa publiko: Kailangan handa tayo!

446

Pinaghahanda na ang publiko sa ano mang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tatapusin o palalawigin ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Sinabi ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng National Action Plan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ano man ang magiging kapasyahan ng Pangulo ay dapat na tanggapin at suportahan dahil para na rin ito sa kapakanan ng lahat.

Lahat naman aniya ay nagnanais na matapos na ang COVID crisis sa lalong madaling panahon kaya dapat na sundin kung ano ang desisyon ng gobyerno.

“We should be prepared kung ano ang magiging desisyon dahil ito desisyon na manggagaling sa Presidente ay para sa ating common good. We want this crisis to be over as soon as possible time,” ani Galvez.

Kailangan aniyang maging bukas ang pang-unawa ng publiko para mas maraming mailigtas na buhay.

“We should be open-minded since this is for our common good and the higher good of saving more lives. Sana maligtasan natin itong pandemic crisis ng COVID,” dagdag pa ni Galvez.

Sinabi ng kalihim na nais masiguro ng gobyerno ang kaligtasan ng lahat ng mga Pilipino para hindi matulad sa Singapore na binalikan ng COVID kaya magpapatupad ng lockdown.

“Let us wait for the decision of the President kung mali-lift o hindi ang ECQ. Pero tingnan po natin. `Yong Singapore ay parang nagkaroon ng relapse at bukas ay magkakaroon na sila ng lockdown,” wika pa ni Galvez.

Muling nanawagan ang kalihim sa sambayanan na manatili sa loob ng bahay at sundin ang social distancing, gayondin ang pagiging malinis at ang pagsusuot ng face mask.

Nanawagan din ito sa mga Muslim na malapit ng ng mag-obserba ng kanilang Ramadan na sama-samang magdasal para mailigtas ang sambayanan sa health crisis.( Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad