Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Game KNB’ mamimigay ng P1M

0 71

Aabot sa P1M cash prize ang mapapanalunan ng masuwerteng player sa “Game KNB?” ng Jeepney TV sa season 3 finale episode nito ngayong Biyernes (July 16) sa kumu, na pagtatapos na rin ng “Road to 1 Million” campaign ng interactive game show.

“Abangan dahil magle-level up tayo this Friday! Ang papremyo natin ay tumataginting na P1M, back-to-back-to-back-to-back all Fridays kaya ibalita niyo na sa lahat ng mga Kapamilya at kumunizen ang naglalakihan nating premyo,” chika ng game master na si Robi Domingo.

Sa July 9 episode, 153 na mga player ang nakasagot nang tama sa lahat ng trivia-based questions tungkol sa nutrisyon at human body sa “Pili-Pinas” segment. Paghahatian nila ang total jackpot money na P300,000.

Bukod sa cash prize, nanalo rin ng 50,000 kumu coins ang isang kumunizen na unang nakapag-send ng tamang sagot sa ‘Question of the Day’ na may kinalaman sa ginawang challenge ni Robi sa “Robi, Game KNB?” segment.

Napanood din sa #300KNaGameKNB episode ang tier 3 winners ng “GKNB mag-co-host with Robi?” campaign na sina Alfie Delos Reyes (@kuysfm) mula Taguig City, Ristichen (@ristichen) mula Tagaytay, Cavite, at Alvin Salazar @alvinsalazar mula Riyadh, Saudi Arabia—na nagbigay ng clues para sa tamang sagot sa mga tanong.

Ang overall cash prize na P1.6 milyon ang pinakamalaki sa anumang programa sa kumu sa ngayon, at inilunsad ito bilang pasasalamat dahil kamakailan lang ay umabot na sa mahigit isang milyon ang followers ng mga channel ng Creative Programs, Inc. (CPI) sa kumu.

Subukan na ang talino mo at manalo ng papremyo sa paglalaro sa “Game KNB?,” na mapapanood 12nn araw-araw sa @gknb sa kumu at may simulcast sa Jeepney TV sa cable at sa Jeepney TV Facebook page pati na sa TFC IPTV at myx Global. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.