Abante Tonite Interactive

‘Game of Thrones’ final season may pasilip na

274

Sa mga fan, tumatangkilk at abangers ng ‘Game of Thrones’ o GOT, mag-ready na kayo dahil ang trailer ng ika-walo at final season ng sikat na Emmy-winning drama ay inilabas na ng US cable and satellite television network na HBO.

Simula sa April 14 o April 15, ang huling season ng ‘Game of Thrones’ ay inaasahang mapapanood na dito sa bansa.
Nauna rito, sa datos ay may 30 milyong viewers ang GOT sa Estados Unidos pa lamang bukod pa rito ang iba pang pa­natiko sa buong mundo.

Dahil biggest hit ng HBO ang ‘GOT’ ay umaasa ang mga viewers nito ng makapigil-hiningang eksena sa bawat episode ng final season.