Abante Tonite Interactive

Game plan ng Arellano U: Bantayan si Soltones

131

Mga laro ngayon:
(The Arena, San Juan City)
12 p.m. — Perpetual Help vs LPU (jrs)
3:30 p.m.- Arellano U vs San ­Sebastian (women’s)

Walang pagbabago sa game plan ng Arellano University, puntirya muli ang pigilin pa nang bahagya ang opensa ni San Sebastian star Gretchel Soltones upang makuha ang pangalawang ­sunod na panalo sa finals ng 92nd NCAA women’s­ volleyball tournament sa The Arena, San Juan City.

Muling magtutuos ang Lady Chiefs at last year’s runner-up Lady Stags sa Game 2 ngayong 3:30 ng hapon.

Kailangan pang manalo ng ­Arellano ng dalawang beses para makopo ang titulo at mabigo muli ang San Sebastian na maibalik sa kanilang bakuran ang korona.

“Yun pa rin ang plano, bantayan si Soltones,” ani Arellano U coach Obet Javier.

Nalimitahan si reigning two-time MVP Soltones sa 15 puntos sa Game 1 kaya naman nanganganib muli ang Baste na maulit ang kapalarang nalasap nila nakaraang taon.

Hawak din ng SSC ang thrice-to-beat nakaraang season pero nabigo silang ­depensahan ang kanilang korona matapos yumuko sa College of Saint Benilde.

Bago sumalang sa finals, kinalos muna ng Lady Chiefs ang Lady Blazer­s sa semifinals.

Naitabla ng Arellano ang serye matapos ang 25-18, 25-20, 25-16, panalo sa Game 1 noong Martes.

Pakay umulit ng panalo ang Perpetual­ Help laban sa Lyceum of the Philippines sa alas-12:00 ng tanghali sa juniors division.

Best-of-three na rin ang labanan matapos manalo ng Junior Altas.