Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gamit ng hydrogen peroxide

0 109

Napakaraming gamit ng hydrogen peroxide – mula kusina hanggang sa iyong mukha. Ang alam natin ay panglinis ito ng sugat. Pero marami pang ibang gamit ito sa ating katawan at sa kagamitan.

Hindi maikakailangang magaling na disinfectant o pampatay ng mikrobyo ang hydrogen peroxide. Ang hydrogen peroxide ay tubig (H20) na mayroong extra na oxygen molecule (H202). Sa extra oxygen molecule na ito nakukuha ng peroxide ang kanyang galing. Ang oxidation ang pumapatay sa mikrobyo at nag-aalis ng kulay (bleach) sa mga magagaspang na gamit tulad ng tela.

Sa mga gustong pumuti ang ngipin, maaaring gumamit ng hydrogen peroxide bilang pangmumog at pang-toothbrush. Paghaluin ang pantay na sukat ng tubig at hydrogen peroxide at ipangmumog. Puwede rin na ibabad ang toothbrush sa pinaghalong tubig at hydrogen peroxide at ipangsepilyo ng dalawang minuto.

Kung may singaw, pampagaling din ang pinaghalong tubig at hydrogen peroxide. Ipangmumog para mawala ang singaw sa bibig.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kuko ay maaari ring manilaw – dahil sa kinain mo, o nahawakang may nakakahawang kulay, dahil sa madalas na paglalagay ng nail polish o bunga ng paninigarilyo.

Kumuha lamang ng nakabolang bulak, isawsaw sa peroxide at ipahid sa kuko. Magiging maputi na muli ang iyong kuko.

Sa mga may alipunga at may nagbibitak-bitak na paa, maaari ring gamitin ang hydrogen peroxide. Maghalo ng dalawang tasa ng hydrogen peroxide sa dalawang tasa ng maligamgam na tubig. Ibabad ang paa ng sampung minuto, dalawang beses isang araw, sa umaga at sa gabi.

Tuyuin ng mabuti ang mga paa. Matutulungang gumaling agad ang bitak bitak na paa at mawala ang pangangamoy dahil sa alipunga.

Marami pang tulong ang hydrogen peroxide kahit sa paglilinis ng gamit. Kaya’t siguruhing mayroon kang nakahandang ganito sa bahay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.