Abante Tonite Interactive

Gamot sa COVID-19 dapat aprub ng WHO, FDA

817

Papayagan lamang na maibenta sa merkado ng Pilipinas ang isang antiviral drug na una nang pinayagan ng China na gamiting panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang bansa kapag inapruba­han ito ng World Health Organization (WHO) at Food and Drug Administration (FDA).

Una nang inaprubahan ng China ang produksiyon at pagbebenta ng Favilavir na sinasabing antiviral drug kontra COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na bago tuluyang makapasok at maipagbili sa Pilipinas ay kailangan muna ng naturang gamot na dumaan sa proseso, maaprubahan ng WHO at FDA at pumasa sa ipi­natutupad na pamantayan ng mga ito. (Juliet de Loza-Cudia)