Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gamot sa diabetes ng Lazada, Shopee iligal

0 579

Nagbabala kahapon sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili, pagkain at pag-inom ng mga produktong nakagagamot umano sa diabetes at COVID-19 na ibinebenta online.

Tinukoy ng ahensya ang mga produktong David’s Faith Insulin Wine at David’s Faith Insulin Tea na mabisa umano laban sa diabetes, Bustosia Creamy Peanut Butter, Cosmetic Centre Sodium Ascorbate Active Alkaline-C 500 mg Capsules at Marshal’s Farm Pure Honey na mainam naman umanong panlaban sa COVID-19.

Sinabi ng FDA na ibinibenta ang mga nabanggit na produkto sa Shopee at Lazada kahit walang pahintulot mula sa ahensya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta at pagbili ng mga produktong hindi rehistrado sa FDA dahil sa panganib na posibleng idulot nito sa kalusugan ng tao.

Dahil dito, sa halip na makatulong ay may peligro pa anila na lalong lumala ang kondisyon ng isang pasyente mula sa pagkain at pag-inom ng mga nasabing produkto. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.