Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ganapin aprub sa Paralympics

0 154

Inaasahang lalampas sa apat na atleta ang mga magiging pambato ng Team Pilipinas sa 16th Paralympic Summer Games 2020 na inatrasado ng pandemya sa darating na Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan.

Ayon kay national chef-de-mission Francis Diaz Martes, may tatlo pang slot para sa ‘Pinas, isa mula kay para-taekwondo jin Allain Ganapin na huling nag-qualify, dalawa sa para-track and field at si wheelchair racer Jerrold Pete Mangliwan.

Sinilo ni Ganapin ang bronze medal sa Asian Olympic qualifier sa Tashkent, Uzbekistan nitong Mayo, pero nakuha niya ang ticket via bi-partite invitation mula sa World Taekwondo Federation (WTF) nitong Lunes.

Related Posts

Nakapasok naman si Mangliwan nang maabot ang qualifying standard time na 1 minute at 3.27 seconds nang irehistro ang 1:02.17 sa men’s 400m T52 class ng Para Athletics 2021 Grand Prix sa Nottwil, Switzerland sa nakaran ding buwan.

Ang isa pang slot ay para sa Pinay sa track and field ang inaalam pa ng Philippine Paralympic Committee (PPC) para isama sa tatlong atleta at kay swimmer Ernie Gawilan na nag qualify sa nakaraang taon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.