Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ganapin, Bejino kapwa inalat

0 53

Parehong minalas sina para taekwondo jin Allain Ganapin at para swimmer Garry Bejino sa 16th Paralympic Summer Games 2020+1 sa Tokyo, Japan Huwebes.

Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 pandemic si Ganapin kaya hindi na pumunta sa quadrennial sports conclave upang sumabak sana men’s -75-kilogram-K44 event, ayon sa Philippine Paralympic Committee.

Nakatakdang lumaro ang 23-year-old jin ngayong Biyernes sa kampanya rito na suportado ng Philippine Sports Commision.

SM food to go Banner Ad

Out nanaman na si Bejino sa men’s 400-meter freestyle-S6 heats nang maorasan ng 5:52.28 para pumang-13 at kulelat sa dalawang heat.

Pero lalaban pa siya sa second heat sa lane No. 2 sa araw na ito, at si wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa men’s 100-meter-T52 race finals na tatapos sa kampanya ng ‘Pinas. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.