Abante Tonite Interactive

‘Gandang Gabi Vice’ inilampaso nina Boobay, Tekla

1,002

Pinag-uusapan ngayon na tinalo sa ratings ang Sunday late night show na “Gandang Gabi Vice” ng “The Boobay and Tekla Show” noong Nov. 17.

Sa datos ng Kantar Media na nagsu-subscribe ang ABS-CBN ay 5.7 % ang nakuhang ratings ng show ni Vice samantalang 6 percent sa programa nina Boobay at Tekla.

Kahit sa AGB Nielsen ay panalo pa rin ang “The Boobay and Tekla Show.” 4.4 percent ang ratings nito kumpara kay Vice na 3%.

Nagsasawa na ba ang televiewers sa format ng show ni Vice samantalang guest niya nu’ng Linggo ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang pamangkin nitong si Meryll? Panis na ba ang patawa ni Vice kumpara kina Boobay at Tekla?

Just asking.

Claudine, Topacio waiting sa demanda ni Marjorie

How true na nadismaya si Atty. Ferdinand Topacio sa pang-i-indiyan ni Claudine Barretto sa kanyang birthday party?

“It’s a girl thing, nagka-dysmenorrhea siya,” paglilinaw ng magaling na celebrity lawyer.

Nakaplano naman talaga ang pagdating ni Claudine pero hindi inaasahan na dinatnan siya ng ‘dalaw’.

Samantala, willing si Attorney Topacio na maging lawyer ni Claudine kung sakaling ituloy ni Marjorie Barretto ang banta niyang demanda.

Handa raw sila kung sakaling maisampa ito. Hinihintay lang daw nila si Marjorie na mag-file ng kaso saka sila aaksyon.

Anyway, masayang naipagdiwang ang party ni Atty. dahil may inihanda siyang games sa mga bisita. May mga nagseseksihang “usherettes” na naka-bunny costume. Playboy ang motiff ng tipar. Havey ang “donut-eating contest” niya.

Bukod dito, plantsado na ang libro ni Atty. Topacio tungkol sa mga movie review niya na nai-publish na sa broadsheet. May radio program din siya sa DWIZ, ang “Yes, Yes … Topacio!”

Talbog!