Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gang war motibo ng salvage sa 2 tinedyer

0 79

Blangko pa ang Manila Police District (MPD) sa kaso ng dalawang binatilyo na natagpuang patay at palutang-lutang sa karagatan ng Isla Puting Bato, kamakailan sa Maynila.

Gayunman, isa sa tinitingnang anggulo ni PCapt Henry Navarro, hepe ng MPD-homicide section ay ang Posibilidad na gang war ang motibo ng pagpaslang kina Carl Justine Banogon at Chormel Buenaflor, kapwa 15 anyos, miyembro ng Batang City Jail at nakatira di kalayuan sa lugar kung saan sila lumutang.

Magkahiwalay na natagpuan ng kanilang kaanak ang bangkay nina Carl Justine Banogon at Chormel Buenaflor na kapwa tadtad ng saksak ang ulo, mukha at katawan. Huling nakitang buhay ang dalawa noong Enero 31.

Ayon kay Navarro magkasabay na dinukot ang dalawa pero sa magkahiwalay na lugar at oras.

SM food to go Banner Ad

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, magkakilala ang dalawa pero hindi sila magkabarkada gayunman ay may pagkakahawig ang paraan ng pagpatay sa kanila.

“Meron silang mga grupo tulad nitong si Buenaflor, isa pala siyang miyembro ng Batang City Jail. So tinitingnan natin kung meron siyang record ng misdemeanor sa mga adjacent police stations,” dagdag ni Navarro.

Natagpuan ang bangkay ni Bonogon noong Pebrero 2 at ang bangkay ni Buenaflor ay nakitang lumulutang nang sumunod na araw na nakabalot ng packaging tape ang ulo, kamay at paa at tadtad ng saksak ang katawan.
Nanawagan naman ng hustisya ang kaanak ng mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.