Abante Tonite Interactive

Ganid sa parking

386

Sumulat ako sa sobrang inis sa kapitbahay kong walang pakialam sa kapwa.

Pare-pareho naman kaming nakatira sa townhouse kaya walang sa­riling paradahan pero my God, wala siyang paki sa mga kapitbahay niya.

May sarili kasi siyang kompanya kaya marami siyang service. Kaya tuloy apektado kaming mga kapitbahay niya na may iisang sasakyan.

Nganga kami sa parking-an dahil kapag nagsabay-sabay sa parada ang mga service ng kanyang kompanya ay wala na kaming magawa kundi magbayad sa gasolinahan para lamang makaparada.

Actually, minsan ko na siyang kinausap pero my God, parang bingi. Umoo lang pero kinabukasan ayan na naman ang kanyang mga sasakyan sa mga designated paradahan namin.

Pinabarangay ko na siya pero ang nakakalungkot, ang desisyon lang ng aming bara­ngay ay mag-usap na lang kami dahil hindi namin pag-aari ang paradahan.

Sana ay nakapagbigay ako ng leksyon sa ibang magkakapitbahay riyan para makaiwas sa away.

Nagpapasalamat,
Krishia ng ­Quezon City