Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ganti kay Ruffa: Yilmaz 15 taon bago pauwiin ang mga anak sa Pinas

0 875

Biniro pala ni Yilmaz Bektas ang ex-wife na si Ruffa Gutierrez na 15 years din bago niya pauuwiin ng Pilipinas ang dalawa nilang anak na sina Lorin at Venice.

As we all know ay nagtungo sa Instanbul, Turkiye ang dalawang bagets to see their father na 15 years na nga nilang hindi nakikita.

Kuwento ni Ruffa sa It’s Showtime, tinanong daw siya ng dalawa kung puwede silang mag-extend at talagang mariing “no” ang kanyang sagot.

“My God, nagbiro pa yung tatay. Sabi ba naman, ‘Ay, I didn’t see them for 15 years. ‘Wag kang mag-alala for 15 years din. Next mo sila makikita after 15 years din.’ Sabi ko, ‘Ganun?’” kuwento ni Ruffa.

SM food to go Banner Ad

Tsika pa ng aktres, napakaraming nagpapadala ng message sa kanya na nagsasabing nakaka-relate sila sa pinagdaanan niya bilang single mom.

“You know what, napakarami pala ang dumadaan sa mga dinadaanan ko ngayon. “Sabi nila, ‘Oh my God, I wish na makilala ko rin yung tatay ko. It’s been so long.’ So, maraming mga ganyang mga kuwento.

“And we’re not alone. So everybody has different pains within the family. No family is perfect. Ang importante we do our best for our kids,” sey ni Ruffa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.