Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ganti patama ni Angel

0 619

“Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?”

‘Yan ang tanong ni Kapamilya star Angel Locsin sa mga politiko na naging dahilan ng ABS-CBN shutdown.

Sa Instagram post ni Angel, kanyang nilahad ang panghihinayang na maayos na sana ang problema sa entertainment industry sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Pero sa halip daw na tulungan silang ayusin ito ay mas pinili ng mga kongresista na ipasara ng tuluyan ang operasyon ng network.

Related Posts

“I was genuinely hoping that we could turn this into an opportunity to fix the industry’s issues. Hindi lang po sa ABS-CBN, kundi ang kabuohan. Though, to be honest, malaki na po ang improvement kumpara nung nagsisimula palang po ako. Katulad ng working hours, contracts, etc,” saad ni Angel.

“But those 70 congressmen chose to shutdown the network instead of standing up for the people and fix those problems,” giit pa ng aktres.

Nakisimpatya din si Angel sa mga crew at laborer sa entertainment industry na pinagsalita lang sa mga hearing ngunit hindi naman nalutas ang problema.

“In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions,” aniya pa.

“Kaya ako lumalaban, kahit mahirap at tagilid, kailangan ng mga kasama ko ang karamay ngayon, higit kailan man. Naniniwala akong hindi mawawalan ng saysay ang lahat…dahil tatatak ito sa kasaysayan and we, the Filipino people will never forget,” pagtatapos ni Angel. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.