Abante Tonite Interactive

Gapo mayor umalma sa pamumulitika

569

Umalma ang kampo ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino sa maruming pamumulitika ng kanyang mahigpit na katunggali upang maagaw lamang ang kanyang puwesto bilang ama ng lungsod.

Iginiit ni Paulino na walang katotohanan na siya at kanyang mga local official ay inaresto ayon sa utos ng Sandiganbayan dahil bago pa umano maihain ang arrest warrant ng mga awtoridad ay nakapaglagak na sila ng piyansa na nagkakahala­gang P30,000 bawat isa.

Wala rin umanong katotohanan na pinatawan sila ng 90-day suspension ng Ombudsman o ma­ging ng Sandiganbayan. “This thus not mean guilt, this is our justice system at work, with a fair trial we believe that this case will be dismissed and truth shall prevail.” ayon kay Paulino.

Nanawagan rin si Paulino sa kanyang mahigpit na katunggali na huwag idamay at i-harass ang kanyang pamilya sa mga bintang na puro kasinungalingan.

“Patuloy po natin na isusulong ang Transparency and Good Governance sa ating pamumuno ating ipaglalaban ang tama alang alang sa mga Olongapeno. God bless Olongapo,” dagdag pa ng alkalde. (Jojo Perez)