Abante Tonite Interactive

Garcia atat na vs Pacquiao

0 467

Hindi maitago ang pagkaatat ni 4-division world men’s professional boxing champion Mikey Garcia na makasagupa si 8-time world titleholder Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao matapos niyang hamunin ito sa nakaraan pang taon.

Matagal nang hinihintay ng Amerikanong kilala ring Miguel Angel Garcia Cortez, ang pagkakataon na makatapat si Pacquiao kung saan marami itong dahilan pati kampo upang itakda ang pagtatapat taya ang titulong World Boxing Association (WBA) super world welterweight ng huli.

“Well look, being Mikey’s brother and trainer, you know, with my dad, with my son, we all agree that’s the only fight that we would really want Mikey to do at welterweight,” sabi ng nakakatandang kapatid ni Garcia na si Robert sa BoxingScene.com. “You know he wants another welterweight fight and he wants to get a title.”

Sinabi pa ni Robert na naniniwala siya na makikipagbakbakan ang Pinoy ring icon dahil iyon ang pinakalohikal na hakbang para sa 32-anyos at may taas na 5-6 na si Mikey, na umaasam ng world welterweight title.

“I think Manny is the biggest fight out there for Mikey, but it’s also the one that matches better for Mikey because Pacquiao is not as big as all the other welterweights. Pacquiao was a flyweight at one time,” hirit niya.

Bitbit ni Garcia ang record na 40 panalo at 1 talo kung saan dalawang beses lang itong lumaban sa welterweight division at natalo sa mga kababayang kababayang sina World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federaton (IBF) king Errol Spence at Jessie Vargas.

Isang 5-foot-5 ½ at 41 na, bitbit ni Pacquiao ang ring record na 62-7-2 panalo-talo-tabla at pagiging tanging eight-division champion, kahit pinamaliit na titleholder sa 147-pound division kumpara kina Spence at Crawford, na mas mataas ng tatlong pulgada sa Pambansang Kamao.

“Even though his body developed into a solid welterweight, he’s not as big, he’s not as tall,” sabi ni Robert. “You know, very dangerous, very fast, very strong, but that’s probably the only fight that we’re okay with at welterweight.”

“Even though I still think it’s a very dangerous fight, I think that’s the only one that we could probably agree to with my father and everybody around our team. That’s the only one that we would want for Mikey at welterweight,” wakas ni ni Robert.

Naniniwala naman ang longtime trainer ni Pacquiao na si Freddie sa posibleng labanan.

“I love the fight,” aniya. “It’s a very good fight.” (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad